dzme1530.ph

PBBM, nagpaabot ng pagbati sa pole vaulter na si EJ Obiena para sa pagbubulsa ng unang ginto ng Pilipinas sa 2023 Asian Games

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa Pinoy pole vaulter na si EJ Obiena.

Sa post sa kanyang X account, binati ni Marcos ang world no. 2 pole vaulter para sa pagbubulsa ng kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa 2023 Asian Games sa China.

Matatandaang nangibabaw si Obiena sa pole vault finals noong Sabado matapos ma-clear ang 5.75 meter mark, at nagtala pa siya ng bagong Asian games record sa 5.90 meters.

Samantala, binati rin ni Marcos ang Pinoy athletes na sina Patrick King Perez, Jones Inso, Gideon Padua, Clemente Tabugara Jr., Alex Eala, at Francis Casey Alcantara, para sa magandang ipinakita sa mga larangan ng taekwondo, wushu, at tennis. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author