Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Pinoy para athletes na sumabak sa 2023 ASEAN Para Games sa Cambodia.
Ayon sa pangulo, ipinakita nila ang galing at husay ng para athletes sa bansa, at pinatunayang hindi hadlang ang kapansanan sa pag-abot ng mga pangarap.
Sinabi pa ni Marcos na hindi lamang karangalan para sa Pilipinas ang inihatid ng mga atleta kundi pati ang malalim na pagkakaisa sa pagitan ng mga bansa sa rehiyon.
Matatandaang nagtapos ang Pilipinas sa 5th overall place sa ika-12 ASEAN Para Games sa na-kolektang 34 gold medals, 33 silver, at 50 bronze medals. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News