dzme1530.ph

PBBM, nagpaabot ng pagbati sa muling pagkakahalal ni Indian PM Narendra Modi

Nagpaabot ng pagbati si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa muling pagkakahalal ni Indian Prime Minister Narendra Modi.

Sa post sa kanyang X account, inihayag ng pangulo na sa nagdaang dekada ay nakita ang pagiging isang tapat na kaibigan ng India para sa Pilipinas.

Kaugnay dito, umaasa si Marcos sa pagpapalakas pa ng bilateral at regional partnership ng dalawang bansa sa mga susunod pang taon.

Mababatid na nahalal si Modi sa kanyang ikatlong termino, makaraang makuha ang mahigit kalahati ng mga boto sa kanilang eleksyon.

About The Author