dzme1530.ph

PBBM, nagpaabot ng pagbati para sa kaarawan ni VP Sara Duterte

Nagpaabot ng pagbati si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa kaarawan ni Vice President at Dep’t of Education Sec. Sara Duterte.

Sa social media post, pinuri ng pangulo ang sipag at pagmamahal sa bayan ni Duterte, na nagpalakas umano sa kabataan at mga guro.

Hinikayat din siya ni Marcos na ipagpatuloy lamang ito para sa isang matatag na edukasyon sa ilalim ng bagong Pilipinas.

Samantala, sa bukod na social media post ay bumati rin ang Presidential Communications Office, kasabay ng hiling para sa maayos na kalusugan at tagumpay sa mga susunod na taon para sa pangalawang pangulo.

About The Author