dzme1530.ph

PBBM, nagpaabot ng pagbati para kay Paris Olympics bronze medalist Nesthy Petecio

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa Pinay boxer na si Nesthy Petecio, matapos itong magkamit ng bronze medal sa 2024 Paris Olympics.

Sa social media post, nagpasalamat ang Pangulo sa medalyang ibinulsa ni Petecio para sa Pilipinas.

Ipinakita umano ng Pinay boxer sa mundo na hindi umuurong ang Pilipino sa anumang hamon.

Kaugnay dito, sinabi ni Marcos na ipinagmamalaki si Petecio ng buong bansa at tinapos niya ang mensahe sa katagang “ 𝘛𝘢𝘢𝘴 𝘬𝘢𝘮𝘢𝘰, 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘣𝘰𝘹𝘪𝘯𝘨𝘦𝘳𝘰𝘯𝘨 𝘗𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘰🇵🇭🥊🥉”.

Mababatid na nabigo ang 32-anyos na boxer na umusad sa Gold medal round ng Women’s 57 kilogram event.

About The Author