dzme1530.ph

PBBM, nagpaabot ng pagbati kay bagong UK PM Keir Starmer

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa bagong halal na Prime Minister ng United Kingdom na si Keir Starmer.

Sa post sa kanyang X account, humiling ang Pangulo ng tagumpay para sa bagong UK Gov’t.

Bukod dito, binati rin ni Marcos ang partido ni Starmer na Labour Party.

Kasabay nito’y umaasa ang Pangulo sa pagpapalalim pa ng ugnayan ng Pilipinas at UK.

Mababatid na nakuha ng opposition Labour Party ang majority parliamentary votes sa kanilang general election, at dahil dito ay pinalitan na ni Starmer si outgoing UK PM Rishi Sunak.

About The Author