dzme1530.ph

PBBM, nagpaabot ng dasal sa paggaling ni Princess Catherine ng UK matapos ma-diagnose ng cancer

Nagpaabot ng panalangin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa paggaling ni Princess Catherine ng United Kingdom.

Ito ay matapos ibunyag ng Princess of Wales na mayroon siyang cancer.

Sa reply comment sa video announcement ni Catherine sa X, inihayag ng Pangulo na kaisa ang lahat ng Pilipino sa pagdarasal para sa Royal Princess.

Kaugnay dito, ipinapanalangin ni Marcos ang maayos na lagay ng kalusugan at patuloy na paggaling ni Catherine, kasabay ng paghiling ng katatagan para sa Royal Family sa harap ng suliranin.

About The Author