dzme1530.ph

PBBM, naglabas ng EO para sa streamlining ng pag-proseso ng permits sa pagtatayo ng telecommunications at internet infrastructure

Naglabas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng executive order para sa streamlining o pagpapabilis ng pag-proseso ng permits sa pagtatayo ng telecommunications at internet infrastructure sa bansa.

Sa ilalim ng EO no. 32, pabibilisin ang pag-iissue ng permits para sa konstruksyon, installation, repair, operation, at maintenance ng shared passive telecommunications tower infrastructure.

Kasama rin ang pagtatayo ng poles, installation ng aerial at underground cables at facilities, underground fiber ducts, ground terminals, at iba pang transmission at internet infrastructure facilities.

Saklaw ng kautusan ang lahat ng national government agencies at instrumentalities kabilang ang government-owned or –controlled corporations, at ang local government units na nag-issue ng permits, licenses, clearances, certifications, at authorizations.

Nakasaad din sa EO na ipagbabawal na ang pagdaragdag ng iba pang national o local permit o clearances.

Samantala, inoobliga rin ang lahat ng lungsod at munisipalidad na mag-setup ng one-stop shop para sa construction permits, habang bubuuin din ang technical working group on telecommunications and internet infrastructure na pamumunuan ng Department of Information and Communications Technology. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author