Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapalakas sa Film Academy of the Philippines, para sa layuning mapaunlad ang film industry sa bansa.
Sa Executive Order no. 70, inilagay ang FAP sa Administrative Supervision ng Dep’t of Trade and Industry, at itinatag ang Board of Trustees na pamumunuan ng FAP director general bilang chairperson, DTI sec. bilang co-chairperson, at magiging mga miyembro ang kinatawan mula sa Office of the President, at mga pinuno ng DOLE, TESDA, NCCA, FDCP, at dalawang private sector representatives.
Inatasan din ang FAP na bigyan ng pagkilala ang mga natatanging pelikula, artists, at stakeholders, sa pamamagitan ng taunang National Film Awards.
Binibigyan din ito ng kapangyarihang magtatag ng Independent Committee na pipili ng magiging entry ng Pilipinas sa Academy Awards o OSCARS, at iba pang international award-giving bodies. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News