Naglabas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng executive order para sa pagpapalakas ng kampanya ng gobyerno laban sa money laundering, counter-terrorism financing, at counter proliferation financing strategy.
Sa ilalim ng EO no. 33, inaatasan ang lahat ng government offices, departments, bureaus, at maging ang government-owned or controlled corporations na i-adopt ang National Anti-Money Laundering, Counter-Terrorism Financing, at Counter Proliferation Financing Strategy (NACS) 2023-2027.
Ito ay upang makatugon ang Pilipinas sa international cooperation review group action plans, tungo sa pag-alpas ng Pilipinas sa financial action task force grey list.
Sa bisa ng EO ay binigyan din ng karagdagang kapangyarihan ang national anti-money laundering and countering the financing of terrorism coordinating committee para i-reorganize ang kanilang sub-committees, habang isinama na rin bilang kanilang miyembro ang National Intelligence Coordinating Agency.
Magsisilbing chairman ng komite ang executive secretary, habang magiging vice chair ang governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News