Naglaan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng mahigit isandaan at apatnapung milyong piso para sa paghahanda ng MIMAROPA sa La Niña Phenomenon.
Ayon sa Pangulo, nakahanda na ang mahigit 140 million pesos na halaga ng food at non-food items sa harap ng inaasahang mas madalas at mas malalakas na pag-ulan.
Kasama na rin ang limang milyong pisong standby funds.
Tiniyak ng Pangulo na patuloy ang preparasyon ng pamahalaan para sa anumang maaaring mangyari.
Naniniwala rin ito na sa pagtutulungan ay malalagpasan ang lahat ng pagsubok at patong-patong na suliranin.