Nag-deklara si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng holidays sa iba’t ibang lalawigan sa bansa.
Sa Proclamation No. 554, idineklara ang special non-working day sa probinsya ng Rizal sa June 11, para sa 123rd founding anniversary.
Sa ilalim naman ng proclamation no. 555, deklarado ang special non-working day sa buong lalawigan ng Pampanga sa June 15, para sa komemorasyon ng ika-tatlumpu’t tatlong anibersaryo ng pagputok ng bulkang pinatubo.
Special non-working day din sa Angeles City sa kaparehong araw.
Idineklara rin ang special non-working day sa Lapu-Lapu City sa June 17 sa ilalim ng Proclamation No. 558 para sa charter anniversary, at June 24 sa probinsya ng Masbate sa Proclamation No. 564, para sa Bagat-Dagat Festival.