dzme1530.ph

PBBM, nagbigay-pugay sa mga tagapagtaguyod ng social justice at manggagawa ngayong Labor day

Nagbigay-pugay si Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa mga tagapagtaguyod ng social justice at karapatan ng mga manggagawa upang matiyak ang patas na compensation sa kanilang trabaho, kasabay ng pakikiisa sa Labor day ngayong May 1.

Sa kanyang mensahe, kinilala ng pangulo ang ambag ng masisipag na manggagawang Pilipino sa national development at pagpapasigla ng ekonomiya, sila man ay nasa siyudad o mga probinsya.

Sinabi rin ni Marcos na nagsisilbing pundasyon ng bansa ang pawis ng mga Pilipinong araw-araw kumakayod para tustusan ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya, at upang maiangat ang kanilang pamumuhay.

Kaugnay dito, tiniyak ng pangulo ang patuloy na suporta ng gobyerno sa working class, kaakibat ng pagsusulong sa dignidad at pagkakapantay-pantay sa workspaces.

About The Author