dzme1530.ph

PBBM, nagbigay ng tig-P100-K assistance sa 7 sundalong nasugatan sa operasyon laban sa BIFF

Binigyan ng financial assistance ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pitong sundalong nasugatan sa operasyon kamakailan laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

Sa pag-bisita sa Battle Casualty Ward sa Camp Brigadier General Gonzalo H. Siongco sa Datu Odin Sinsuat Maguindanao del Norte, personal na iniabot ng Pangulo ang tig-P100,000 na cheke sa mga sugatang sundalo.

Kasabay nito’y kinilala ni Marcos ang panganib at pagsubok na kinahaharap ng mga sundalo sa pagganap sa kanilang tungkulin.

Nangyari ang engkwentro sa Datu Saudi Ampatuan Maguindanao del Sur noong April 22.

Samantala, ginawaran din ng medalya ng Commander-in-chief ang ilang natatanging mga sundalo mula sa Philippine Army 6th Infantry Division.

About The Author