dzme1530.ph

PBBM, nag-donate ng ₱150-M sa renal dialysis center ng VMMC

Nag-donate si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng ₱150-M sa renal dialysis center ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Sa pag-bisita sa ospital kasabay ng paggunita ng araw ng kagitingan, personal na iniabot ng Pangulo ang ₱150-m na cheke na mula sa President’s Social Fund.

Gagamitin ito sa pagbili ng Magnetic Resonance Imaging (MRI) machine, dahil hindi na gumagana ang kaisa-isang MRI machine ng VMMC na nabili noong 2011.

Sa pamamagitan ng high-resolution MRI machine ay mas madali nang makakapag-diagnose ang mga doktor ng critical cases.

Ang VMMC ay kasalukuyang nagbibigay ng serbisyong medikal sa mahigit 200 pasyente na World War II veterans at retired military personnel at kanilang dependents.

About The Author