dzme1530.ph

PBBM, nag-abot ng ₱50-M tulong-pinansyal sa Nueva Vizcaya sa harap ng pinsala ng bagyong Pepito

Nag-abot si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng ₱50-M tulong-pinansyal sa Nueva Vizcaya sa harap ng iniwang pinsala ng bagyong Pepito.

Sa seremonya sa Bayan ng Bambang ngayong Biyernes ng umaga, itinurnover ng Pangulo sa pamahalaang panlalawigan ng Nueva Vizcaya ang ₱50-M na cheke mula sa Office of the President.

Samantala, ipinamahagi rin ang family food packs mula sa Dep’t of Social Welfare and Development, sa nasa 1,000 benepisyaryo.

Ipinamigay din ang 5,000 na cash assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation.

Sa kanyang mensahe, tiniyak ng Pangulo na aalalayan ng gobyerno ang mga komunidad na sinalanta ng kalamidad hanggang sa tuluyan silang makabangon.

Mababatid na may pitong nasawi sa Nueva Vizcaya matapos matabunan ng gumuhong lupa sa kasagsagan ng bagyong Pepito. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author