Nababahala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa presensya ng Chinese spies sa bansa.
Ito ay kasunod ng pagkaka-aresto ng National Bureau of Investigations (NBI) sa lima pang Chinese na sinasabing nang-iispiya sa mga aktibidad ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy sa Palawan.
Sinabi pa ni Marcos na ang ilan sa mga naarestong Chinese ay matagal nang namamalagi sa Pilipinas at ang iba ay nakapangasawa na ng Pinay.
Kaugnay dito, patuloy umanong iniimbestigahan ang limang Chinese at sinisikap silang makunan pa ng ibang impormasyon.
Sa ngayon naman ay wala pa umanong pakikipag-ugnayan ang bansa sa China hinggil sa isyu ng umano’y pang-iispiya. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News