Naabisuhan na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay ng paglalagay ng China ng floating barriers sa Bajo de Masinloc.
Ayon kay National Security Adviser Eduardo Año, palaging sinasabihan ang Pangulo hinggil sa developments sa West Philippine Sea partikular sa mga lugar na nakapalibot sa Bajo de Masinloc at Ayungin Shoal.
Sinabi ni Año na kino-kondena nila ang ginawa ng Chinese Coast Guard na maituturing umanong paglabag sa traditional fishing rights ng mga mangingisdang Pinoy alinsunod sa 2016 Arbitral Ruling, at gayundin sa United Nations Convention on the Law of the Sea at International Law.
Tiniyak ni Año na gagawa sila ng mga kaukulang hakbang upang mai-alis ang barriers at ma-protektahan ang karapatan ng mga mangingisda. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News