Muling inimbitahan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bumisita sa bansang France.
Ito ay sa presentasyon ng credentials sa Malakanyang ni French Ambassador to the Philippines Marie Fontanel.
Ipinaabot ni Fontanel kay Marcos ang imbitasyon sa kanya ni French President Emmanuel Macron na magkaroon ng state visit sa France.
Matatandaang unang inimbitahan ng French leader si Pangulong Marcos sa kanilang bilateral meeting sa sidelines ng APEC Summit noong Nobyembre 2022.
Samantala, ipinaabot din ng French ambassador ang pagbati ni Macron kay Marcos para sa matagumpay na pagpapalago ng ekonomiya ng Pilipinas sa unang taon ng kanyang termino. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News