dzme1530.ph

PBBM, muling hinimok na sertipikahang urgent ang Anti-POGO bill

Loading

Muling hinimok ni Sen. Risa Hontiveros si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sertipikahang urgent ang panukalang nagmamandato ng pagbabawal ng POGO operations sa bansa.

Ito ay upang maihabol ang approval nito sa Kongreso bago matapos ang 19th Congress.

Sinabi ni Hontiveros na sa sandaling magsara na ang 19th Congress at hindi nailusot ang Anti-POGO bill ay back to square one na naman ito pagpasok ng 20th Congress.

Nangangahulugan anya ito na kailangan na namang maghain ng panukala at isalang sa committee hearings.

Binigyang-diin ng Senador na kahit may executive order na ang Pangulo na nagba-ban sa POGO ay dapat magkaroon ng batas upang permanente na itong maipagbawal sa bansa.

About The Author