dzme1530.ph

PBBM, muling binuksan ang oportunidad ng bansa sa kooperasyon sa mundo

Sa loob ng isang taong pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, muli nitong binuksan ang pagkakataon ng Pilipinas na makakuha ng suporta at kooperasyon sa iba’t ibang panig ng mundo para sa ikauunlad ng bansa.

Ito ang isa sa itinuturing ni Senador Loren Legarda na magandang nagawa ni Pangulong Marcos sa loob lamang ng isang taong administrasyon.

Inihalimbawa ni Legarda ang muling pakikipag-ugnayan ng Pangulo sa European Union matapos magkaroon ng lamat ang relasyon ng bansa dito sa nakalipas na administrasyon.

Tumanggi naman ang senador na bigyan ng marka ang Pangulo dahil hindi naman anya masusukat sa numero ang performance.

Kasabay nito, umaasa ang senadora na matututukan pa ng Pangulo sa mga susunod na taon ang mga progama para sa agrikultura at ekonomiya sa bansa. —sa panulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author