dzme1530.ph

PBBM, may mensahe sa mga Pilipino para sa Buwan ng Wika ngayong Agosto

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino na alalahin ang mahalagang papel ng pambansang wika sa pang-araw araw na buhay.

Sa kanyang mensahe para sa pagbubukas ng Buwan ng Wika ngayong Agosto, isinulong ng Pangulo ang pagpapahalaga sa pagkakaroon ng wikang panlahat, na may malaking ambag sa pagkakamit ng kasarinlan at kapangyarihang buksan ang mga mata at isipan sa kahalagahan, karanasan, at kakayahan ng bawat isa.

Sinabi ni Marcos na ang okasyong ito ay nagsisilbing mahalagang paalala na mahalin ang Wikang Filipino nang bukal sa puso, at nanggagaling sa kamalayan na ang mga wikang minana ay nagtatanghal ng kahanga-hangang pagkakakilanlan bilang isang lipi.

Bukod dito, isa rin umano itong paanyaya na patuloy na mahalin at pagyamanin ang mga wika, at ang hitik na panitikan ang magpapalalim ng pag-ibig sa bayan kasabay ng paghikayat sa bagong henerasyon na tangkilikin ang sariling atin.

About The Author