dzme1530.ph

PBBM, mamamahagi ng ayuda, ambulansya, at iba pang tulong sa Ilocos Norte ngayong kaarawan ni ex-Pres. Marcos Sr.

Mamahagi ng iba’t ibang tulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa iba’t ibang lugar sa Ilocos Norte ngayong ika-107 kaarawan ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr..

Una sa mga aktibidad ngayong araw ay ang Marcos Day Celebration sa Batac City na magsisimula na anumang oras mula ngayon.

Kasunod nito ay tutungo ang Pangulo sa Malacañang of the North sa Paoay para sa pag-turnover ng 69 na ambulansya.

Mamamahagi rin ito ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) sa Batac City at Laoag City.

Samantala, magbibigay din si Marcos ng tulong sa mga magsasaka, mangingisda, at livestock raisers sa seremonya sa Mariano Marcos State University. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author