Magtutungo sa America si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa nakatakdang bilateral meeting kay US President Joe Biden sa White House sa susunod na buwan.
Ayon kay White House Press Sec. Karine Jean-Pierre, itinakda ang meeting sa May 1, o May 2 dito sa Pilipinas.
Sa pagpupulong, pagtitibayin ni Biden ang “Ironclad Commitment” sa depensa ng Pilipinas, at pagpapalakas sa matagal nang alyansa ng dalawang bansa.
Tatalakayidin ang mga usapin sa rehiyon at pagtutulungan sa pagtataguyod ng international law at malayang Indo-Pacific region.
Pag-uusapan din ang pagpapalalim pa ng kooperasyong pang-ekonomiya, pagsusulong sa kaunlaran, people-to-people ties, pag-iinvest sa clean energy at paglaban sa climate change, at paggalang sa human rights.
Matatandaang noong nakaraang taon ay inimbitahan ni Biden si Marcos na bumisita sa Washington. —sa ulat ni Harley Valbuena