dzme1530.ph

PBBM, magtutungo ng Malaysia pagkatapos ng kanyang SONA!

Magtutungo ng Malaysia si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. pagkatapos ng kanyang ikalawang State of the Nation Address.

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nakatakdang state visit ng Pangulo sa Malaysia mula July 25 araw ng Martes, hanggang July 27, araw ng Huwebes.

Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni DFA Spokesperson Maria Teresita-Daza na ang state visit ay bilang pagpapaunlak sa imbitasyon ng King of Malaysia.

Sa nasabing pagbisita ay magkakaroon ng audience ang Pangulo sa Malaysian King, at meeting kay Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim.

Makakasama ng Chief Executive sa state visit si First Lady Liza Araneta-Marcos, mga miyembro ng kanyang economic team, at business delegates. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author