Magpapadala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng kinatawan ng Pilipinas sa 3rd Asia Cooperation Dialogue Summit sa Qatar.
Sa pagbisita sa Malacañang, personal na inimbitihan ni Qatari Ambassador Ahmed Saad Nasser Abdullah Al-Homidi ang Pangulo sa nasabing pagtitipon.
Gayunman, sinabi ni Marcos na hindi siya makadadalo, at sa halip ay magpapadala na lamang ng kinatawan ang Pilipinas.
Tiniyak naman ng Pangulo na nananatiling committed ang bansa sa global cooperation.
Samantala, nagkasundo rin ang Pangulo at ang Qatari envoy na palakasin pa ang bilateral ties ng Pilipinas at Qatar. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News