Ipinangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang ikalawang State of the Nation Address, na maglalabas ito ng proklamasyon na magbibigay ng amnestiya sa mga rebeldeng susuko at magbabalik-loob sa gobyerno.
Ipinagmalaki ni Marcos ang pinaigting na reintegration programs tungo sa full decommissioning ng dating combatants.
Sinabi rin ng Pangulo na sa pamamagitan ng Barangay Development and Enhanced Comprehensive Local Integration Programs ay napaunlad ang mga komunidad at mga programang pangkabuhayan, at naging epektibo ito sa pag-resolba sa pinag-uugatan ng mga gulo sa mga probinsya.
Kaugnay dito, maglalabas ang Pangulo ng proclamation na magbibigay ng amnestiya sa rebel returnees, at hihiling din siya ng tulong mula sa kongreso sa pagsusulong nito.
Samantala, pinuri rin ng chief executive ang Bangsamoro Region dahil sa malaking naitulong sa mithiing makamit ang totoong pag-unlad at kapayapaan sa Mindanao. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News