Magbabalik-America si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong taon para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting.
Sa courtesy call ng US-ASEAN Business Council Members sa Malakanyang, kinumpirma ng Pangulo na dadalo siya sa APEC meeting na gaganapin sa California sa Nobyembre.
Sinabi pa ni Marcos na nais niyang talakayin sa APEC meeting ang pagpapataas ng sources ng clean energy, potensyal ng nuclear energy, at ang pagsusulong na gawin ang Pilipinas bilang upper middle-income country sa pagtatapos ng 2025.
Ito na ang magiging ikatlong pag-bisita ng Pangulo sa Estados Unidos mula nang siya ay umupo sa pwesto, kasunod ng nauna niyang US trip noong Setyembre 2022 para sa UN General Assembly, at sa pakikipagpulong kay US President Joe Biden noong Mayo 2023. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News