dzme1530.ph

PBBM, mag-iinspeksyon sa iba pang lugar na sinalanta ng bagyong Carina at Habagat

Bibisita at mag-iinspeksyon din si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa iba pang lugar sa bansa na sinalanta ng bagyong Carina at Habagat.

Ito ay kasunod ng pag-iikot ng Pangulo sa mga binahang lugar sa Valenzuela at Navotas City.

Ayon ay Marcos, personal niyang aalamin kung ano ang mga kakailanganing tulong ng iba pang binahang lugar.

Bukod dito, ihahanda na rin umano ang release packages para sa mga lokal na pamahalaan, partikular sa Central Luzon at CALABARZON.

Hihilingin sa Dep’t of Budget and Management na mailabas na ito upang magamit na ng mga LGU.

About The Author