dzme1530.ph

PBBM, kumpiyansang makababangon ang ekonomiya ng Pilipinas

Loading

Tiwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tataas pa ang public spending at mababawi ng pamahalaan ang nawalang kita sa ikatlong quarter ng taon.

Sa isang press briefing kahapon, ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos tanungin kung paano maibabalik ang kumpiyansa ng mga investor sa gitna ng pagbagsak ng piso at pagbagal ng gross domestic product (GDP).

Ayon sa punong ehekutibo, marami nang hakbang at economic measures ang isinasagawa ng gobyerno, kaya’t kumpiyansa itong tataas ang public spending at sa pagtatapos ng taon, ay aabot ito sa orihinal na target.

Una nang inamin ng Pangulo na nakaranas ng pagbagal ng ekonomiya ang bansa dahil sa mga pagbabago dulot ng global situation.

About The Author