Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tinuldukan na ng Pilipinas ang pakikipag-usap sa International Criminal Court.
Ito ay matapos ang pagbasura ng ICC Appeals Chamber sa apila ng Philippine government kaugnay ng pagpapatuloy ng imbestigasyon sa madugong war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Pangulo, katulad ng sinasabi niya noong una ay hindi sila makikipagtulungan sa ICC sa anumang aspeto.
Iginiit pa ni Marcos na ang mga sinasabing krimen sa drug war ay nangyari sa Pilipinas at sa mga Pilipino, kaya’t hindi na ito dapat pang dalhin sa ICC.
At dahil wala na umanong nakabimbing pang apila, wala na ring gagawing anumang aksyon ang bansa at ito ang hudyat ng pagwawakas ng ugnayan sa ICC.
Kasabay nito’y sinabi ng pangulo na patuloy nilang ipagtatanggol ang soberanya ng Pilipinas, at patuloy ding ke-kwestyunin ang jurisdiction at imbestigasyon ng ICC sa bansa. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News