dzme1530.ph

PBBM, kinumpirmang pinag-aaralan na ang pagpapaliban sa 2025 BARMM elections

Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pinag-aaralan na ang posibleng pagpapaliban sa 2025 Bangsamoro Parliament election.

Sa ambush interview sa Lingayen Pangasinan, inihayag ng Pangulo na maraming implikasyon ang naging desisyon ng Korte Suprema na naghiwalay sa probinsya ng Sulu sa BARMM.

Kabilang sa mga tinukoy na problema ay ang mga distrito  na nawalan ng kongresista at walang kinabibilangang probinsya, at mga munisipalidad na walang distrito at wala ring probinsya.

Dahil umano sa pag-aalis ng Sulu sa BARMM, kailangang palitan ang batas kaya’t ta-trabahuhin ng Bangsamoro Transition Authority ang bagong sistema sa bagong administrative code, local gov’t code, at electoral code.

Sinabi naman ng Pangulo na sisikapin pa ring maisabay ang BARMM elections sa 2025 midterm elections, ngunit kung hindi ito kakayanin ay mainam nang maitama muna ang mga implikasyon sa halip na ito ay madaliin dahil posibleng mag-resulta lamang ito sa gulo. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author