Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na alam niya ang pakikipagpulong ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping sa China.
Sa ambush interview sa Maynila, inihayag ng pangulo na alam niyang magtutungo si Duterte sa Beijing.
Gayunman, nilinaw ni Marcos na walang basbas ng Malakanyang ang pakikipagkita ni Duterte sa Chinese president.
Umaasa naman ang pangulo na napag-usapan nina Duterte at Xi ang mga isyu tulad ng pagbuntot ng Chinese vessels sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas.
Nakatitiyak din umano si Marcos na ibabahagi sa kanya ni Duterte ang napag-usapan nila ni Xi.
Welcome din sa pangulo kung si Duterte ang magsisilbing kanilang linya ng komunikasyon sa China. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News