dzme1530.ph

PBBM, kasalukuyang pinangungunahan ang situation briefing sa Agusan del Sur kaugnay ng matinding pagbaha at landslides

Kasalukuyang pinangungunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang situation briefing sa Agusan del Sur kaugnay ng matinding pagbaha at landslides.

Ngayong umaga ay lumapag ang eroplanong sinasakyan ng Pangulo sa Bancasi Airport sa Butuan City para dumalo sa iba’t ibang aktibidad kabilang na ang Situation Briefing sa Kapitolyo ng Agusan del Sur.

Kasama ng Pangulo sina DSWD Sec. Rex Gatchalian, Health Sec. Ted Herbosa, Interior Sec. Benhur Abalos, at mga lokal na opisyal.

Tinatalakay sa briefing ang ulat sa lawak ng pinsala sa iba’t ibang lokalidad, at ang mga ipaaabot na kaukulang tulong ng gobyerno.

Mababatid na ang Agusan del Sur ay isinailalim na sa State of Calamity dahil sa epekto ng shear line at buntot ng low pressure area.

About The Author