dzme1530.ph

PBBM itinalaga si Carlito Galvez Jr. bilang Defense Chief

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr. bilang bagong Defense Chief.

Kasunod ito ng pagbibitiw ni Department of National Defense Officer-In-Charge Jose Faustino Jr.

Ayon sa Presidential Communications Office, tinanggap ni Pangulong Marcos ang pagbibitiw ni Faustino at inalok nito ang posisyon kay Galvez na tinanggap din naman ng retiradong heneral.

Ang pagbibitiw ni Faustino ay kasunod ng pagpapalit ng liderato sa Armed Forces of the Philippines (AFP), kung saan itinalaga si General Andres Centino bilang Chief Of Staff kapalit ni Lieutenant General Bartolome bacarro.

Wala namang ibinigay na impormasyon ang Malacañang sa dahilan ng Resignation ni Faustino.

Si Galvez na nasilbi bilang AFP Chief of Staff noong nakalipas na Duterte Administration ay malaki ang ginampanang papel sa pagtatapos ng Marawi Seige noong 2017.

Matapos magretiro sa AFP ay itinalaga siya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang Chief Implementer ng binuwag na ngayong National Task Force Against COVID-9 at Vaccine Czar.

About The Author