dzme1530.ph

PBBM, isinusulong ang pagpapalakas ng public-private partnership sa healthcare

Isinusulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapalakas ng public-private partnership sa healthcare sector.

Sa groundbreaking ng St. Bernadette Children and Maternity Hospital sa San Jose Del Monte City, Bulacan, inihayag ng pangulo na upang magtagumpay ang mithiing makapagbigay ng abot-kayang healthcare service, kinakailangan ang suporta mula sa lahat ng parte ng lipunan, kabilang ang pamahalaan, pribadong sektor, at mamamayan.

Kaugnay dito, hinikayat ng chief executive ang private sector at propesyong medikal na suportahan at isulong ang mga programang pangkalusugan ng gobyerno, kabilang na ang serbisyong medikal at pagtatayo ng health infrastructure partikular sa malalayong komunidad.

Hinimok din ang Department of Health at San Jose Del Monte City local government na magsanib-pwersa upang tiyaking maitatayo sa itinakdang panahon at kalidad ng naturang ospital. 

Iginiit ni Marcos na sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan ay maitatatag ang isang progresibong Pilipinas kung saan walang mapapabayaan at walang maiiwan tungo sa mas maginhawa at mas ligtas na pamumuhay. —sa ulat ni Harley Valbuena

About The Author