Isinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawak ng ugnayan ng Pilipinas sa mga bansang India at Italya.
Ito ay sa presentasyon ng credentials sa Malacañang ng bagong ambassadors ng dalawang bansa.
Ayon sa Pangulo, mahalaga ang pagdating ni bagong Indian Ambassador Harsh Kumar Jain sa harap ng paggunita ng ika-75 taon ng matatag na diplomatic ties ng Pilipinas at India.
Kumpyansa si Marcos na mas marami pang magiging kolaborasyon ang dalawang bansa.
Samantala, sinabi naman ng Pangulo kay Italian Ambassador Davide Giglio na ispesyal sa puso ng mga Pilipino ang Italya, dahil bukod sa ugnayan sa diplomasya ay ito rin ang pangalawang bansa sa Europa na may pinaka-maraming Pinoy.
Umaasa si Marcos na makakahanap sila ng mga bagong oportunidad sa patuloy na pagtutulungan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News