dzme1530.ph

PBBM, isinulong ang pagpapalakas ng ugnayan sa turismo ng Pilipinas at Hawaii

Isinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalakas ng ugnayan sa turismo ng Pilipinas at Hawaii, USA.

Sa courtesy call sa Malacañang ng Pacific Century Fellow na isang grupo ng mga lider sa Hawaii, inihayag ni PCF founder Mufi Hannemann na tinitingnan nila ang posibleng pakikipagtulungan kay Tourism Sec. Christina Frasco para sa pagpapalitan ng mga turista ng Pilipinas at Hawaii.

Sinabi pa ni Hannemann na bagamat dinagdagan na ng United Airlines ang air service sa Pilipinas, maaari rin itong pasukin ng Alaska Airlines.

Bukas naman ang Pangulo na palalimin pa ang relasyon ng Pilipinas at ng nasabing US State, at ibinida rin nito ang dami ng mga Pilipinong namamalagi sa Hawaii. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author