dzme1530.ph

PBBM, isinulong ang pagpapalakas ng ugnayan sa Chile sa kalakalan, investment, at agrikultura

Isinulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas sa bansang Chile, sa mga kalakalan, investment, at agrikultura.

Sa courtesy call sa Malakanyang ni Chilean Foreign Minister Alberto Van Klaveren, inihayag ng Pangulo na hindi na maituturing na balakid ngayon ang malayong distansya ng dalawang bansa.

Malaki umano ang potensyal sa pagtutulungan ng Pilipinas at Chile sa agrikultura, partikular sa Cacao cultivation at processing na unti-unti ay nagiging isa nang mahalagang pananim.

Sinabi ni Marcos na may teknolohiya ang Chile para sa pagpapalakas ng produksyon ng Cacao.

Samantala, inihayag naman ni Trade Sec. Ma. Cristina Aldeguer-Roque na pinag-aaralan din ang posibleng pag-eexport ng bansa sa Chile ng isda at mga mineral mula Mindanao. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author