Isinulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapalakas ng produksyon ng mga lokal na binhi, sa pamamagitan ng mga magsisipagtapos sa mga kursong may kaugnayan sa agrikultura.
Sa pulong sa Malacañang kasama ang Private Sector Advisory Council – Agriculture Sector, inihayag ng Pangulo na ang mga bagong agronomists at agriculturists ay silang maaaring manguna sa seed production, at ang mga magsasaka naman ang tututok sa pagtatanim at pagpapalago ng mga ito.
Kaugnay dito, nanawagan si Marcos sa mga kaukulang ahensya na hingin ang tulong ng State Universities and Colleges upang patulungin ang agriculture students sa research and development para sa produksyon ng mga binhi.
Sinabi ni Marcos na ang mga mag-aaral umano ang may technical expertise sa seed production, at kikita pa umano ang Unibersidad kung maia-angat ito sa commercial level. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News