dzme1530.ph

PBBM, isinulong ang empowerment ng PWDs

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang inklusyon at empowerment ng persons with disabilities sa bansa.

Sa kanyang talumpati na binasa ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa 30th Apolinario Mabini Awards sa Malakanyang, hinimok ng pangulo ang Department of Social Welfare and Development, Department of Health, mga lokal na pamahalaan, at iba pang kaukulang ahensya na tugunan ang mga hamong kinahaharap ng PWDs, upang sila ay maging bahagi ng paghuhulma ng lipunan.

Nanawagan din si Marcos sa pagkakaroon ng tulay para sa oportunidad, pang-unawa, at konsiderasyon sa mga may kapansanan.

Isinulong din nito ang pagpapatuloy ng mga adbokasiya laban sa diskriminasyon.

Samantala, humiling din ang chief executive sa pribadong sektor na lumikha ng inklusibong workspaces na magtataguyod ng equality at patas na oportunidad sa PWDs.

Ang Apolinario Mabini Awards ay itinatag ng Philippine Foundation for Rehabilitation of the Disabled Inc. na nagbibigay ng pagkilala sa mga indibidwal, grupo, at ahensyang may malaking nai-ambag sa pagtataguyod ng kapakanan ng PWDs. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author