dzme1530.ph

PBBM, isinulong ang agricultural courses para sa Kabataan

Isinulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagkuha ng Agricultural courses ng Kabataang Pilipino.

Sa kanyang talumpati sa pamamahagi ng mga titulo ng lupa sa Coron Palawan, inihayag ng Pangulo na sa charter ng Agrarian Reform Program, isinama ang mga graduate ng agricultural courses sa mga benepisyaryo ng lupang ipinamamahagi ng pamahalaan.

Ito ay upang mahikayat ang Kabataan na pasukin ang pagtatanim.

Sa pamamagitan din umano nito ay may magagamit na lupa ang agri graduates upang mapakinabangan nila ang kanilang natutunan.

Sinabi ni Marcos na sa ngayon ay maraming kabataan ang hindi nakau-unawa sa agrikultura kaya’t kung saan-saang trabaho na lamang sila pumapasok.

Samantala, sa seremonya sa Passi City Iloilo ay ipinamahagi ng Pangulo ang 2,588 electronic land titles at certificates of land ownership na sumasaklaw sa 2,643 ekyarya ng lupa, para sa 1,900 Agrarian Reform Beneficiaries mula Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, at Iloilo. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author