Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagtugis sa mga nagho-hoard ng bigas sa harap ng napaulat na pagtaas ng presyo nito sa merkado.
Bukod dito, inatasan din ang Department of Agriculture at Department of Trade and Industry na i-monitor ang presyo ng bigas sa iba’t ibang pamilihan.
Sinabi ng Presidential Communications Office na maaaring may mga nananamantala sa lean months bago ang anihan o harvest season.
matatandaang iniulat ng d-a na may mga retailer ang nagbebenta ng pinaka-mababang variety ng bigas sa halagang 50 pesos per kilo.
nakikipag-ugnayan naman ang administrasyon sa pribadong sektor para matiyak ang sapat na suplay ng bigas sa mga pamilihan at maging sa kadiwa stores. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News