Ipinatutugis ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang mga kriminal na dawit sa sekswal na pang-aabuso sa mga bata sa bansa.
Sa sectoral meeting sa Malacañang, nagbigay ng direktiba ang Pangulo sa mga kaukulang ahensya na tutukan at gawin ang lahat para mahuli ang mga nasa likod ng sexual abuse of children, kabilang na ang online sexual abuse o exploitation.
Bukod dito, iniutos din na pagsama-samahin ang kanilang pwersa, at bumuo ng istratehiya sa loob ng isang buwan.
Ayon sa Center for Anti-online Child Sexual Abuse ng Dep’t of Justice, nananatiling talamak ang child abuse and exploitation sa Pilipinas, kung saan nasa halos kalahating milyong kabataan ang nabi-biktima.
Umabot din sa 2.7 million reports ang natanggap ng National Center for Missing & Exploited Children, kaugnay ng insidente ng pag-abuso sa mga bata para sa taong 2023.