Ipinatitiyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Moro National Liberation Front ang mapayapa at maayos na Bangsamoro Parliamentary Elections sa 2025.
Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng 2024 National Peace Consciousness Month at 28th Anniversary ng 1996 Final Peace Agreement, inihayag ng Pangulo na ang eleksyon ay mahalagang paalala hindi lamang para sa demokrasya kundi sa mga taong nagbigay ng kalayaang tinatamasa sa kasalukuyan.
Nagpasalamat naman si Marcos sa MNLF sa pagtulong sa gobyerno sa paglaban sa terorismo at rebelyon, lalo na sa mga lalawigan ng Basilan, Sulu, at Tawi-tawi.
Pinuri rin nito ang liderato nina MNLF Chairs Nur Misuari at Muslimin Sema, at gayundin ang International partners na tumulong sa pagkakamit ng kapayapaan sa Mindanao.
Tiniyak din nito ang pagtupad sa lahat ng peace agreements sa iba’t ibang rebeldeng grupo, kabilang na ang implementasyon ng transformation program para sa pag-aangat ng pamumuhay ng MNLF combatants at kanilang mga pamilya at komunidad. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News