dzme1530.ph

PBBM, ipinakita ang kaniyang schedule

“Ito yung schedule ko. Saan yung pasyal?”

Ito ang bwelta ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos siyang akusahan ni dating pangulong Rodrigo Duterte nang “pasyal nang pasyal” sa harap ng magkakasunod na foreign trips.

Sa media interview sa Germany, ipinakita ng pangulo ang kanyang daily schedule, at wala umanong makikita dito na anumang pamamasyal.

Sinabi pa ni Marcos na maging ang mga lugar na madalas niyang binibisita ay hindi na niya napupuntahan.

Sa kabila nito, nilinaw ng pangulo na hindi niya pine-personal si Duterte, at nagpaabot pa ito ng maagang pagbati para sa kaarawan ng dating pangulo sa March 28.

About The Author