Ibinida ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tumaas na exports ng Pilipinas sa Singapore.
Sa roundtable discussion kasama ang Singaporean businessmen, inihayag ng Pangulo na noong nakaraang taon ay umabot sa $4.91-B ang halaga ng exports ng bansa sa Singapore.
Ito ay 16.98% na mas mataas kumpara sa $4.2-B noong 2021.
Kabilang sa mga produktong inaangkat ng Singapore sa Pilipinas ay ang electrical at electronic equipment, tobacco, prutas, at iba pa.
Samantala, pinuri rin ni Marcos ang Singapore sa pagiging pinaka-malaking source ng foreign direct investment ng bansa, kung saan ang kanilang Foreign Direct Investment (FDI) ay umabot sa $761-M noong 2021.
Sinabi ng chief executive na ang investments mula Singapore ay isa sa mga nagtulak sa 7.6% na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas noong 2022. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News