dzme1530.ph

PBBM, ipinag-utos ang pagpapalawak ng LIMA special economic zone sa Batangas

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawak ng Lima Technology Center-Special Economic Zone sa Malvar, Batangas.

Sa proclamation no. 639, isinama ang ilang bahagi ng lupa sa Brgy. Pook sa Malvar bilang bahagi ng Lima ecozone.

Sinabi ni Marcos na ito ay alinsunod sa Republic Act 8748 o Amended Special Economic Zone Act of 1995.

Ang designated land parcels ay may kabuuang lawak na 98,340 square meters.

Ang Lima Technology Center ay mayroong 121 local at foreign firms kung saan nagta-trabaho ang nasa 55,000 manggagawa.

About The Author