Ipinag-utos ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng matinding pag-ulan at pagbaha sa Cebu.
Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng Palarong Pambansa sa Cebu City, iniulat ng Pangulo ang mga naitalang pagbaha, pagguho ng ilang istraktura, at iba pang pinsala sa mga ari-arian.
Kaugnay dito, sinabi ni Marcos na isinasagawa na ng mga kaukulang ahensya ang search and rescue operations.
Inutusan na rin nito ang Office of the President at Dep’t of Social Welfare and Development na magpaabot ng tulong sa mga apektadong lokal na pamahalaan sa Cebu, partikular ang mga bayan ng Carmen at Minglanilla.
Tiniyak ni Marcos na nagtutulungan ang national at local gov’ts sa harap ng kalamidad.