Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pag-constitute o pagtatatag ng inter-agency council para sa Pasig River Urban Development.
Sa ilalim ng Executive Order no. 35, nakasaad na ang inter-agency council ang mangangasiwa sa full rehabilitation ng river banks sa Pasig River Water System at mga kalapit na water systems.
Pinabubuo rin ito ng Pasig River Urban Development Plan at komprehensibong shelter plan para sa relokasyon ng informal settlers.
Magsisilbing chairman nito ang kalihim ng Department of Human Settlements and Urban Development, vice-chair ang MMDA chairman, habang magiging member agencies ang DPWH, DENR, DILG, DOT, DOTr, DOF, DBM, NHCP, NCCA, PPA, PCG, LLDA, at TIEZA.
Mababatid na ang Pasig River Water System ang responsable sa nagiging daloy ng tubig sa malaking bahagi ng Metro Manila at mga kalapit na probinsya. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News